Pigcalagan,
Sultan Kudarat, Maguindanao--- Hindi napigilan ng malakas na ulan ang
pagsama-sama ng maraming grupo mula sa Cotabato at ARMM sa Mindanao-wide
TreeVolution campaign kaninang umaga.
WATCH: TREEVOLUTION MAGUINDANAO by BKAG http://youtu.be/hiRYOZAaCwc
WATCH: TREEVOLUTION MAGUINDANAO by BKAG http://youtu.be/hiRYOZAaCwc
Hindi
nagpatinag ang mga kalahok ng balik-kalikasan advocacy group nagmumula
sa
hanay ng mga nagtatrabaho sa gobyerno, mga civil society groups, militar, pulisya, MILF, mula sa simbahan, volunteers at rescue group kasama na ang mga kawani ng media.
hanay ng mga nagtatrabaho sa gobyerno, mga civil society groups, militar, pulisya, MILF, mula sa simbahan, volunteers at rescue group kasama na ang mga kawani ng media.
Lahat
sila tumungo sa bulubundukin ng Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat,
Maguindanao. Layon ng grupo ang makapagtanim ng 2,500 na antipolo timber
seedlings sa loob ng isang oras mula alas otso y medya ng umaga
hanggang alas nuebe y medya kanina.
Ang
mga dumalo, abot sa 500 katao. Bahagi ito sa record breaking attempt ng
bansa sa Guiness book na may pinakamaraming natanim na puno sa loob ng
isang oras kung saan tatangkaing lampasan ang record ng bansang India na
may 1.9 million record sa kasalukuyan.
Si
ARMM Governor Mujiv Hataman, isa sa mga sumama at nanguna sa
pagtatanim. Sa dami nga mga lumahok, hindi na inabot ng isang oras ay
tapos nang maitanim ang mga antipolo seedlings.
Isa
ang napiling bayan ang Sultan Kudarat sa massive planting ng DENR-dahil
ito ang isa sa pinakabahaing lugar sa Maguindanao. Apat na planting
site meron ang lalawigan sa araw na ito, ang isa ay malapit sa watershed
sa Brgy. Tenorio sa Datu Odin Sinsuat, ang iba ay sa bayan ng Upi,
Maguindanao kung saan kape at niyog ang mga itinanim at ang pinakahuli
ay ang pagtatanim ng rubber sa daanan patungong massacre site sa
Ampatuan, Maguindanao.
Ayon sa DENR-ARMM, sa araw na ito ay tinatayang nakapagtanim ng 110,000 na mga puno sa ibat-ibang panig ng rehiyon.
Balik-Kalikasan Advocacy Group Participating Entities
1. 6th Division, 603rd Pursuader Brigade Philippine Army
2. LGU Sultan Kudarat, ABC and Local police
3. ARMM region
4. DENR-ARMM
5. DILG-ARMM
6. ARMM-HEART
7. Minrico
8. JCI
9. Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas, Cotabato Media
10. Lions Club
11. Kampo Uno Mountaineers
12. STI
13. Rotary Club
14. Knights of Columbus
15. DEP-ED Cotabato
16. Recon Rocks
END.
No comments:
Post a Comment