Saturday, September 13, 2014

BUHAWI HUMAMBALOS SA PARANG, MAGUINDANAO AT KORONADAL CITY, SINABAYAN PA NG MGA PAG-ULAN


Roxanne Cacayan
September 13, 2014



   
         Sinalanta ng buhawi sa Talipapa area, Barangay Magsaysay, Parang, Maguindanao.

Cotabato City---Kinukumpuni na ngayon ng mga residente ng Barangay Magsaysay sa bayan ng Parang, Maguindanao ang mga nilipad at nasirang yero.

Ito'y matapos manalasa pasado alas tres kahapon  ang malakas na buhawi mula sa karagatan.

Ayon sa mga tindera ng isda sa talipapa, umabot ng kinse minuto na humambalos sa kanilang paligid ang malakas na hangin, nagkubli na lang sila at nanalangin.

Kasabay ng  paghambalos ng buhawi ay ang malakas na pag ulan.

Ang resulta, nangatuklap ang mga yero ng bahay at ng palengke, ang mga isda at gulay umano ay tumilapon.

Hindi din pinatawad na itumba ng buhawi ang mga poste ng kuryente na nagresulta ngayon sa pagkawala ng kanilang supply ng kuryente.

Bukod sa ilang mga kabahayan, nasira din ang ilang cottage ng mga resort at maging ang mga light materials ng paaralan.

Ayon naman sa barangay chairman ng lugar, mabuti na lang at umuulan ng malakas ng oras na iyon dahil kung hindi posibleng may matamaan sa mga taong nasa labas ng kani-kanilang bahay.

 “Mabuti na lang at malakas ang ulan noong oras na iyon dahil kung hindi baka tamaan ang mga batang nasa labas ng kalye ng mga lumipad na mga yero”, Ayon pa kay Barangay Chairman Rogelio Posadas.

Sa lungsod naman ng Koronadal, walong bahay din ang sinira ng buhawi sa Barangay Zone 3 noong huwebes habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan.

Ayon sa mga disaster officials sa lugar abot sa 200,000 ang tantya sa mga kasiraang naidulot ng buhawi.# END


No comments:

Post a Comment