Saturday, September 27, 2014

Ilang pamilya ng Badjao sa Basilan, sumasailalim sa “Organic fish and chicken raising” sa proyektong ARMMSARAP

Sa panulat at produksyon ni Ferdinandh Cabrera
Inilathala ni Roxanne Cacayan




Cotabato City – Isang mas malusog na ARMM ang inaasahang maipamamana ng kasalukuyang administrasyon ngayong pinasok na ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Organic fish at chicken raising sa tulong ng mga eksperto sa organic farming. Nitong Sabado, lumagda na para sa isang kasunduan (memorandum of agreement) and Autonomous Region in Muslim Mindanao at ACES Polytechnic College na nakabase sa Panabo, Davao city para sa 17 milyong pisong organic fish and chicken raising. 

WATCH VIDEO HERE:  http://youtu.be/mNHyzK1paLc


Layon ng proyekto na gawing pilot area ang Barangay Balas, Lamitan Basila kung saan sa loob ng dalawang ektarya ay itatayo ang mga pasilidad at mga kagamitan para sa Organic Bangus raising, Tilapia raising at Organic chicken.


Padadamihin ito sa pilot area at kung magkaroon na ng mga binhi na siya namang palalaganapin sa mahigit isang daan pang kumunidad na napapasailalim sa ARMM Health-Education-Livelihood and Protection Synergy (HELPS) program sa rehiyon.

Ang magandang balita pa dito, sampu ngayon sa limampung sumailalim ngayon sa pagsasanay sa organikong pagsasaka ay mula sa tribung Badjao na apektado ng mga kaguluhan noong Zamboanga Siege. Ayon kay Governor Mujiv Hataman, layon nito na maging self-sufficient ang mga tao sa kumunidad at nakakakain ng mga malulusog na pagkain na kinukuha lang sa paligid, na ligtas mula sa mga nakakasama sa kalusugan, hindi katulad ng halos na ginagawa ngayon sa ibang palaisdaan at mga komersyal na manukan.


Ilan sa kanilang produktong ibinida sa ginawang press conference nitong sabado ay ang whole piece ng fried organic chicken, daing na bangus, sardinas na bangus at ang pinatuyong red tilapia na hangad ay maabot ang export market sa hinaharap dahil sa mga packaging quality na taglay ng mga ito. Dagdag pa ni Dr. Francisco Dela Pena, Jr. ng ACES Polytechnic College, Halal compliant ang mga feeds na gagawin kaya may malaking tsansa ito na palaganapin sa ARMM region kung saan mas hinahanap ang ganitong mga produkto.# END

No comments:

Post a Comment