Baby girl isinilang sa van. Photo by Berlyn Toledo |
By Ferdinandh Cabrera
July 18, 2014
LIGTAS AT MALUSOG NA NAILUWAL SA TULONG NG MGA PASAHERONG KASAMA SA ISANG PAMPASAHERONG VAN ANG BABAENG SANGGOL NA ITO MATAPOS DATNAN NG KANYANG ORAS NG PANGANGANAK ANG KANYANG NANAY HABANG NASA KALAGITNAAN NG BYAHE.
SA MGA
LITRATONG ITO NA IBINAHAGI NI BERLYN TOLEDO NA ISA DIN SA
MGA KASAMANG PASAHERO NG VAN MULA SA
BAYAN NG LEBAK SULTAN KUDARAT AT BYAHENG COTABATO CITY.
SINABI
NITONG, DINAMDAM NG BABAENG DI PA KINILALA SA REPORT ANG KANYANG KABUWAHAN
HABANG NASA KALAGITNAAN SILA NG BYAHE SA BAYAN NG SOUTH UPI MAGUINDANAO.
TINIIS UMANO
NG MANGANGANAK NANG NANAY ANG SITWASYON PERO ISANG ORAS PA BAGO MAKARATING SA
COTABATO CITY AY NAKARAMDAM ITO NG MAY TILA PUMUTOK SA KANYANG SINAPUPUNAN.
Mga pasahero tulong-tulong sa pag-asikaso sa nanganak na nanay |
HUDYAT NA PALA
ITO NA KUSA NANG LALABAS ANG BATA.
ILANG METRO
NA LANG DAW SANA AY MAKAKAPASOK NA SILA NG COTABATO CITY REGIONAL AND MEDICAL
CENTER KUNG SAAN DOON DIN ANG PASYA NG NANAY AY BUMIGAY NA ITO AT INULUWAL ANG
BATA.
TULONG TULONG
NAMAN ANG MGA PASAHERO SA LOOB NG SASAKYAN SA PAG-ASIKASO SA NANGANAK AT IMBES
SA TERMINAL NG VAN SILA BABABA AY SA OSPITAL ANG BAGSAK.
AGAD NAMANG
INALAGAAN NG CRMC STAFF ANG ISINILANG NA SANGGOL.
AYON NAMAN SA
PANINIWALA NG DRIVER NG VAN, SWERTE DAW SA BUHAY PAMAMASADA NILA ANG NANGYARING
PAGSILANG SA LOOB NG PAMPASAHERONG VAN.#END
No comments:
Post a Comment