By Ferdinandh Cabrera
July 18, 2014
July 18, 2014
Cotabato City---Nagtipon-tipon para sa isang congregational prayer ang mga kawani at opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para sa isang solidarity prayer para sa mga biktima ng Malaysian Airline plane crash na naiulat na napabagsak sa pamamagitan ng rocket fire.
At panalangin din para sa mga kapatid na Palestinong Muslim sa
Gaza na ilang araw ng nasa gitna ng
krisis matapos ang mga pambobomba ng bansang Israel kung saan mas maraming mga
kabataan at sibilyan ang nadadamay.
Pinangunahan mismo ni ARMM Mujiv Hataman ang Jumaat
congregational prayer.
Di alintana ang matinding sikat ng araw sa tanghali sa
harap mismo ng ARMM compound.
Ayon sa gobernador, mas higit ngayon na kailangan ang panalangin
sa dinaranas na paghihirap ng mga naulila sa plane crash.
At maging sa mga Palestinong nagsilikas na dahil sa
isinagasawang ground assault ng mga sundalo ng Israel.
Nakapanlulumo umano ang mga sitwasyong dinaranas ng mga kapatid
na Muslim sa Gaza, na dapat naman daw sana ay nag-ooberba ng Ramadhan na may
kapayapaan at paglilinis sa sarili.
Napapanahon at mahalagang
araw umano ngayon ang solidarity prayer dahil nataon sa araw ng pagsamba at
pag-aayuno ng sambayanang Islam sa buwan ng ramadhan.
# END
No comments:
Post a Comment