Monday, June 16, 2014

PAG-AAYOS NG PROBLEMA SA GSIS, IKINAGALAK NG LIBU-LIBONG MGA GURO SA ARMM







NI FERDH CABRERA
MARAWI CITY, LANAO DEL SUR

MALAYA NA NGAYONG NAKAKAPAGLOAN SA GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM O GSIS ANG MGA GURO SA ARMM.
NA SA MATAGAL NANG PANAHON AY NALUGMOK SA MGA PAHIRAP DAHIL SA HINDI MAKAPAG-LOAN  MATAPOS ANG MGA MASALIMUOT NA MGA NAGDAAN DAHIL SA HINDI BINABAYARAN O  INIREREREMIT SA MGA NAGDAANG ADMINISTRASYON SA DEP-ED ANG MGA KONTRIBUSYON  NG MGA  GURO.
 

 KAYA NAMAN SA PAGBISITA NI ARMM GOVERNOR MUJIV HATAMAN SA MARAWI CITY KAMAKAILAN, MAY MAGANDANG BALITA AT REGALONG HATID ITO  PARA SA MAHIGIT 29, 000 NA MGA  GURO SA REHIYON.
 


SINABI NITONG PUPUWEDE NANG MAKAPAG-LOAN SA GSIS ANG MGA GURO.

ITOY MATAPOS BINAYARAN NG DBM ANG MGA UNPAID INSURANCE PREMIUMS NG MGA GURO NA UMABOT SA 2.8 BILLION PESOS NA PAGKAKAUTANG.
 
“ Pwedeng pwede na kayong mag loan sa GSIS, pati yung mga nakaretiro na aayusin natin, lahat ng utang na ito ay kinargo na ng national government, ang pakiusap lang nila sa atin habulin yung mga nanamantala noon”, ANI HATAMAN.

KAYA NAMAN ANG GURONG SI ASISA NAGA MULA SA BAYAN NG PUALAS GANON NA LAMANG ANG KASIYAHANG NADAMA SA MGA NATATAMASANG REPORMA SA NGAYON.

 “Marami nang mga pagbabago kasi may mga newly hired teachers, well compensated naman ang mga teachers, may mga reporma nga at kung totoo man yung sa GSIS,napakaganda yun, Alhamdulillah,”, AYON PA KAY NAGA.
 
KAMAKAILAN PUMASOK SA ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT ANG ARMM, GSIS AT DBM KUNG SAAN BINAYARAN ANG MGA ARIERS MULA SA KINUHANG PONDO SA 2014 GENERAL APPROPRIATIONS ACT KUNG SAAN BABAYARAN NG DEP-ED ARMM ANG INUTANG SA LOOB NG LABINLIMANG TAON MATAPOS ANG NANGYARING LAGDAAN.
SIMULA 1987 NAGING PASANIN NG MGA GURO ANG PROBLEMA SA REMITTANCE SA GSIS KUNG SAAN ANG MGA CONTRIBUTION NA IBINABAWAS SA MGA GURO AY HINDI NAMAN NAKAKAABOT SA GSIS.
ABOT SA 80 PORSYENTO NG KABUOANG WORKING FORCE NA NAGPAPATAKBO  SA ARMM GOVERNMENT AY MGA GURO.
END

No comments:

Post a Comment