PAG-AAYOS NG PROBLEMA SA GSIS, IKINAGALAK NG LIBU-LIBONG MGA GURO SA ARMM
NI FERDH CABRERA
MARAWI CITY, LANAO DEL SUR
MALAYA NA NGAYONG NAKAKAPAGLOAN SA GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM O GSIS ANG MGA GURO SA ARMM.
MALAYA NA NGAYONG NAKAKAPAGLOAN SA GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM O GSIS ANG MGA GURO SA ARMM.
KAYA NAMAN SA PAGBISITA NI ARMM GOVERNOR MUJIV HATAMAN SA MARAWI CITY KAMAKAILAN, MAY MAGANDANG BALITA AT REGALONG HATID ITO PARA SA MAHIGIT 29, 000 NA MGA GURO SA REHIYON.
ITOY MATAPOS
BINAYARAN NG DBM ANG MGA UNPAID INSURANCE PREMIUMS NG MGA GURO NA UMABOT SA 2.8
BILLION PESOS NA PAGKAKAUTANG.
“ Pwedeng pwede na kayong mag loan sa GSIS, pati yung mga nakaretiro na aayusin natin, lahat ng utang na ito ay kinargo na ng national government, ang pakiusap lang nila sa atin habulin yung mga nanamantala noon”, ANI HATAMAN.
KAYA NAMAN
ANG GURONG SI ASISA NAGA MULA SA BAYAN NG PUALAS GANON NA LAMANG ANG KASIYAHANG
NADAMA SA MGA NATATAMASANG REPORMA SA NGAYON.
“Marami nang mga pagbabago kasi may mga newly
hired teachers, well compensated naman ang mga teachers, may mga reporma nga at
kung totoo man yung sa GSIS,napakaganda yun, Alhamdulillah,”, AYON PA KAY NAGA.
KAMAKAILAN PUMASOK
SA ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT ANG ARMM, GSIS AT DBM KUNG SAAN BINAYARAN ANG
MGA ARIERS MULA SA KINUHANG PONDO SA 2014 GENERAL APPROPRIATIONS ACT KUNG SAAN
BABAYARAN NG DEP-ED ARMM ANG INUTANG SA LOOB NG LABINLIMANG TAON MATAPOS ANG
NANGYARING LAGDAAN.
SIMULA 1987 NAGING
PASANIN NG MGA GURO ANG PROBLEMA SA REMITTANCE SA GSIS KUNG SAAN ANG MGA CONTRIBUTION
NA IBINABAWAS SA MGA GURO AY HINDI NAMAN NAKAKAABOT SA GSIS.
ABOT SA 80
PORSYENTO NG KABUOANG WORKING FORCE NA NAGPAPATAKBO SA ARMM GOVERNMENT AY MGA GURO.
END
No comments:
Post a Comment