Saturday, September 27, 2014

Ilang pamilya ng Badjao sa Basilan, sumasailalim sa “Organic fish and chicken raising” sa proyektong ARMMSARAP

Sa panulat at produksyon ni Ferdinandh Cabrera
Inilathala ni Roxanne Cacayan




Cotabato City – Isang mas malusog na ARMM ang inaasahang maipamamana ng kasalukuyang administrasyon ngayong pinasok na ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Organic fish at chicken raising sa tulong ng mga eksperto sa organic farming. Nitong Sabado, lumagda na para sa isang kasunduan (memorandum of agreement) and Autonomous Region in Muslim Mindanao at ACES Polytechnic College na nakabase sa Panabo, Davao city para sa 17 milyong pisong organic fish and chicken raising. 

WATCH VIDEO HERE:  http://youtu.be/mNHyzK1paLc


Layon ng proyekto na gawing pilot area ang Barangay Balas, Lamitan Basila kung saan sa loob ng dalawang ektarya ay itatayo ang mga pasilidad at mga kagamitan para sa Organic Bangus raising, Tilapia raising at Organic chicken.


Padadamihin ito sa pilot area at kung magkaroon na ng mga binhi na siya namang palalaganapin sa mahigit isang daan pang kumunidad na napapasailalim sa ARMM Health-Education-Livelihood and Protection Synergy (HELPS) program sa rehiyon.

Ang magandang balita pa dito, sampu ngayon sa limampung sumailalim ngayon sa pagsasanay sa organikong pagsasaka ay mula sa tribung Badjao na apektado ng mga kaguluhan noong Zamboanga Siege. Ayon kay Governor Mujiv Hataman, layon nito na maging self-sufficient ang mga tao sa kumunidad at nakakakain ng mga malulusog na pagkain na kinukuha lang sa paligid, na ligtas mula sa mga nakakasama sa kalusugan, hindi katulad ng halos na ginagawa ngayon sa ibang palaisdaan at mga komersyal na manukan.


Ilan sa kanilang produktong ibinida sa ginawang press conference nitong sabado ay ang whole piece ng fried organic chicken, daing na bangus, sardinas na bangus at ang pinatuyong red tilapia na hangad ay maabot ang export market sa hinaharap dahil sa mga packaging quality na taglay ng mga ito. Dagdag pa ni Dr. Francisco Dela Pena, Jr. ng ACES Polytechnic College, Halal compliant ang mga feeds na gagawin kaya may malaking tsansa ito na palaganapin sa ARMM region kung saan mas hinahanap ang ganitong mga produkto.# END

Friday, September 26, 2014

TreeVolution sa Maguindanao, Di nagpatinag sa pagsalubong ng malakas na ulan

By Ferdinandh Cabrera and Roxanne Cacayan



Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao--- Hindi napigilan ng malakas na ulan ang pagsama-sama ng maraming grupo mula sa Cotabato at ARMM sa Mindanao-wide TreeVolution campaign kaninang umaga.

WATCH: TREEVOLUTION MAGUINDANAO by BKAG http://youtu.be/hiRYOZAaCwc


Hindi nagpatinag ang mga kalahok ng balik-kalikasan advocacy group nagmumula sa 
hanay ng mga nagtatrabaho sa gobyerno, mga civil society groups, militar, pulisya, MILF, mula sa simbahan, volunteers at rescue group kasama na ang mga kawani ng media.

 Lahat sila tumungo sa bulubundukin ng Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao. Layon ng grupo ang makapagtanim ng 2,500 na antipolo timber seedlings sa loob ng isang oras mula alas otso y medya ng umaga hanggang alas nuebe y medya kanina.

Ang mga dumalo, abot sa 500 katao. Bahagi ito sa record breaking attempt ng bansa sa Guiness book na may pinakamaraming natanim na puno sa loob ng isang oras kung saan tatangkaing lampasan ang record ng bansang India na may 1.9 million record sa kasalukuyan.

Si ARMM Governor Mujiv Hataman, isa sa mga sumama at nanguna sa pagtatanim. Sa dami nga mga lumahok, hindi na inabot ng isang oras ay tapos nang maitanim ang mga antipolo seedlings.

Isa ang napiling bayan ang Sultan Kudarat sa massive planting ng DENR-dahil ito ang isa sa pinakabahaing lugar sa Maguindanao. Apat na planting site meron ang lalawigan sa araw na ito, ang isa ay malapit sa watershed sa Brgy. Tenorio sa Datu Odin Sinsuat, ang iba ay sa bayan ng Upi, Maguindanao kung saan kape at niyog ang mga itinanim at ang pinakahuli ay ang pagtatanim ng rubber sa daanan patungong massacre site sa Ampatuan, Maguindanao.

Ayon sa DENR-ARMM, sa araw na ito ay tinatayang nakapagtanim ng 110,000 na mga puno sa ibat-ibang panig ng rehiyon.
 
Balik-Kalikasan Advocacy Group Participating Entities

1. 6th Division, 603rd Pursuader Brigade Philippine Army
2. LGU Sultan Kudarat, ABC and Local police
3. ARMM region
4. DENR-ARMM
5. DILG-ARMM
6. ARMM-HEART
7. Minrico
8. JCI
9. Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas, Cotabato Media
10. Lions Club
11. Kampo Uno Mountaineers
12. STI
13. Rotary Club
14. Knights of Columbus
15. DEP-ED Cotabato
16. Recon Rocks
END.

Tuesday, September 16, 2014

Granada pinasabog sa isang warehouse sa Lamitan, Basilan

By Ferdinandh Cabrera

Cotabato City--- Kasunod lamang ng pagsabog sa General Santos City kagabi, isa ding pagsabog ang naitala sa isang warehouse sa Lamitan, Basilan pasado alas nuebe kagabi.

Pero agad nilinaw ni ARMM governor Mujiv Hataman na hindi Improvised Explosive Device (IED) ang nangyaring pagsabog sa Basilan kundi itoy insidente ng panghahagis ng granada sa tindahan at warehouse ng kinilalang si Bobong Yumol sa Rizal Avenue sa lungsod ng Lamitan.

Agad namang rumesponde ang 39th EOD team na nakabase sa Basilan na nanguna sa post blast investigation, at ilang fragments ng di pa malamang modelo ng granada ang napulot sa explosion site.

Iniimbestigahan na ngayon ng Basilan police kung ano ang motibo sa krimen ng panghahagis ng granada sa loob ng tindahan.

Wala namang naiulat na nasakatan.

END.

HALOS 70 PAMILYA SA KABACAN, LUMIKAS DAHIL SA KAGULUHAN

Roxanne R. Cacayan
September 16, 2014

Cotabato City--- Binalot ng takot ang halos 70 na pamilya sa Sitio Ladaw, Brngy. Pedtad sa Kabacan, North Cotabato matapos sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan kagabi.

Kasalukuyang tumutuloy ang mga residente sa Department of Education multi purpose hall sa Brngy. Pedtad.

Samantala, sugatan naman ang isang hindi pa napapangalanang residente na agad namang binigyan ng paunang lunas at dinala sa San Pedro Medical Center sa lungsod ng Davao para sa mas maiging gamutan.

Sa ngayon, inaalam na ng lokal na pamahalaan ang mga pangalan ng mga residenteng nawalan ng tirahan ng dahil sa kaguluhan at naghahanda na para sa pagbibigay ng tulong sa mga ito. #

MILITAR AT NPA, NAGKA-ENGKWENTRO SA MAGPET, NORTH COTABATO

Roxanne R. Cacayan
September 16, 2014

Cotabato City---- Sumiklab ang putukan sa pagitan ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People's Army at ng 57th IB sa Sitio Salinsing, Brngy. Amabel, Sitio Natutungan at Sitio Bantaan, Brngy. Bagumbayan sa Magpet, North Cotabato bandang alas-siyete kaninang umaga.

Ayon sa report, Nangyari ang engkwentro habang nagsasagawa ng military operation ang 57th IB sa lugar.

Samantala, agad namang inilikas ang mga residente at dinala sa mas ligtas na lugar.

Walang naiulat na nasaktan sa mga residente at maging sa dalawang kampong nagkasagupaan.

Sa kasalukuyan, naghahanda na ang lokal na pamahalaan sa pag-abot ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa oras na maideklarang maayos na ang lugar.#




Saturday, September 13, 2014

BUHAWI HUMAMBALOS SA PARANG, MAGUINDANAO AT KORONADAL CITY, SINABAYAN PA NG MGA PAG-ULAN


Roxanne Cacayan
September 13, 2014



   
         Sinalanta ng buhawi sa Talipapa area, Barangay Magsaysay, Parang, Maguindanao.

Cotabato City---Kinukumpuni na ngayon ng mga residente ng Barangay Magsaysay sa bayan ng Parang, Maguindanao ang mga nilipad at nasirang yero.

Ito'y matapos manalasa pasado alas tres kahapon  ang malakas na buhawi mula sa karagatan.

Ayon sa mga tindera ng isda sa talipapa, umabot ng kinse minuto na humambalos sa kanilang paligid ang malakas na hangin, nagkubli na lang sila at nanalangin.

Kasabay ng  paghambalos ng buhawi ay ang malakas na pag ulan.

Ang resulta, nangatuklap ang mga yero ng bahay at ng palengke, ang mga isda at gulay umano ay tumilapon.

Hindi din pinatawad na itumba ng buhawi ang mga poste ng kuryente na nagresulta ngayon sa pagkawala ng kanilang supply ng kuryente.

Bukod sa ilang mga kabahayan, nasira din ang ilang cottage ng mga resort at maging ang mga light materials ng paaralan.

Ayon naman sa barangay chairman ng lugar, mabuti na lang at umuulan ng malakas ng oras na iyon dahil kung hindi posibleng may matamaan sa mga taong nasa labas ng kani-kanilang bahay.

 “Mabuti na lang at malakas ang ulan noong oras na iyon dahil kung hindi baka tamaan ang mga batang nasa labas ng kalye ng mga lumipad na mga yero”, Ayon pa kay Barangay Chairman Rogelio Posadas.

Sa lungsod naman ng Koronadal, walong bahay din ang sinira ng buhawi sa Barangay Zone 3 noong huwebes habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan.

Ayon sa mga disaster officials sa lugar abot sa 200,000 ang tantya sa mga kasiraang naidulot ng buhawi.# END


Thursday, September 4, 2014

KALIVUNGAN FESTIVAL: IN THE KNOW





Kalivungan Festival of North Cotabato is a Manobo term for gathering.

On May 8, 1974, the first Kalivungan festival was held in Kidapawan City, then the province’s capital.
In 1984, the celebration was stopped.

Two years after, the lumad leaders of North Cotabato with the desire to continue the celebration of their rich culture and tradition has brought the celebration to Davao City, apparently finding a connection, an affinity with the indigenous peoples in Davao City, then headed by Mayor Zafiro Respicio.

 The efforts was done through the group Mindanao Highlanders Associations Inc. (Mindahila), then headed by Datu Joseph Sibug.

In Davao City, Kalivungan was called Apo Duwaling Festival, to pay homage to the Mt. Apo, durian, and waling-waling.

On May 11, 1995, Apo Duwaling Festival was changed to Kadayawan when Mayor Rodrigo Duterte signed Executive Order No. 10. In 1996, Kalivungan was brought back home to North Cotabato.

Last September 1st, 2014 , the province has culminated the 100th year founding anniversary celebrating memorable,  colorful culture, life, and history of the lumad people of the province as part of the lushness of the “Cotabato Empire”.

Centennial Governor Emmylou Talino-Mendoza said in her message they will continue to foster good relationship among the people and co-exist amid differences in religion, culture and beliefs of tri-people dwellers.

 “Amid diversity, man-made and natural calamities, limitations, sacrifices, the province remained strong — the people of the province have and will continue to be united in the face of all adversities and challenges,” Mendoza said.