AFP CHIEF GEN. CATAPANG BUMISITA SA 6TH DIVISION, MGA PAGSALAKAY NG BIFF TINALAKAY SA PAKIKIPAGPULONG SA MGA OPISYAL
November 20, 2014
Video at Istorya: Ferdinandh Cabrera
Mga Litrato: Pop Salahug
Mga Litrato: Pop Salahug
Cotabato City--- Binisita ngayong araw ni Armed Forces of the
Philippines, Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang ang 6th Division
upang pag-usapan ang mga isyung seguridad lalo na sa mga bantang pag-atake ng mga
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na sunod sunod nitong mga nakaraang araw.
Bandang alas dies kanina ay mainit na sinalubong ng mga
sundalo ng 6th Division sa pangunguna ni Maj. Gen. Edmundo
Pangilinan si Catapang.
Sa ipinatawag na close door meeting sa mga opisyal ng 6th
division, pinag usapan ang patuloy na mga
banta sa seguridad sa Central Mindanao na kagagawan ng BIFF at ibang grupo.
Inamin din ni Catapang na isa sa rason kung bakit siya nandito ay kaugnay sa pagkakapaslang sa isang mataas na opisyal ng Intelligence Service Unit at dalawang kasamahan nito na kamakailan ay nabaril at napatay ng mga kasapi ng BIFF sa Barangay Kitango sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.
Kinilala ang nasawing opisyal na si Major Gerald Finsona.
Samantala, sa tanong
kung ang isang naiuulat na umanoy Pililipo na miembro ng ISIS na kasama sa
pinakahuling namugot sa 18 na mga Syrian sa middle east ay hindi pa masasabi ng
opisyal kung ito ba ay isang Filipino Citizen.
Unang napabalita na may mga extremist Muslims sa Mindanao
ang nakapuslit na sa Middle East at sumanib na sa ISIS.
At maging ang BIFF at
Abu Sayyaf, kasama din sa mga armadong grupo na nagpahayag ng kanilang alyansa
sa ISIS.
Nagkaroon din ng pagkakataon na sagutin ni Catapang ang mga
Central Mindanao based mediamen kaugnay sa kanyang kontrobersyal na pagbisita kakailan sa Caballo island kung saan pansamantalang nakahimpil ang mga UN
peackeepers mula sa bansang Liberia na sumasailalim sa 21 days na voluntary
quarantine matapos tamaan ang bansang Liberia sa ebola virus.#END.
No comments:
Post a Comment