Friday, November 21, 2014

MGA NAULILANG PAMILYA NG MGA MAMAMAHAYAG SA MAGUINDANAO MASSACRE,SUMULAT SA SANTO PAPA NA ISAMA SA PANALANGIN ANG MABILIS NA INAASAM NA HUSTISYA


Istorya at Video ni Ferdinandh Cabrera
Mga litrato ni Pop Salahug







COTABATO CITY---KASAMA ANG MGA MAMAMAHAYAG MULA SA NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES AT MGA NAULILANG MGA KAMAG-ANAK NG MGA MAMAMAHAYAG SA MAGUINDANAO MASSACRE.

GINUNITA NITONG BIERNES ANG PANG LIMANG TAONG ANIBERSARYO NG PINAKAMADUGONG MASAKER NA NAIUKIT SA KASAYSAYSAN NG BANSA NA MAY KINALAMAN SA PULITIKA.

SINIMULAN ANG AKTIBIDAD SA ISANG MISA.

TEMA NG HOMILY NG MGA PARI ANG MAPABILIS ANG HUSTISYANG INAASAM NG MGA BIKTIMA.

AT WAG MAGAMIT SA PULITIKA ANG MGA MAGUINDANAO MASAKER.

NAG ALAY NG MGA BULAKLAK, NAGSINDI NG MGA KANDILA AT NAG ALAY NG PANALANGIN.

BAGO NAGTAPOS AY BINASA ANG PANAWAGAN NG MGA NAULILA SA SANTO PAPA NA DARATING SA ENERO SA SUSUNOD NA TAON NA ISAMA SA PANALANGIN ANG KANILANG INAASAM NA MAPABILIS ANG PAGTAKBO NG KASO.

Kami ay mga asawa, anak, magulang at kapatid ng mga pinaslang sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong ika -23 ng Nobyembre 2009.

Ang aming mga mahal sa buhay ay kasama sa masaker kung saan 58 ang nasawi kabilang ang 32 mamahayag. 

Taun-taon ay bumabalik kami rito sa lugar na ito kung saan ang dugo nila ay kumalat nang pagbabarilin sila sa utos ng mga Ampatuan. Ngunit hindi lamang sila pinagbabaril. Ibinaon ang mahigit kalahati sa kanila kasama ang mga sasakyan sa pamamagitan ng backhoe na ginamit sa paggawa ng hukay at pagpitpit sa mga sasakyan upang mas madaling mapagkasya ang mga ito at ang mga bangkay sa hukay. 

Limang taon na ang nakaraan mula nang maganap ito.

Limang taon na mula nang ang mga anak namin ay nawalan ng mga tatay o nanay na dapat ay gumagabay sa kanilang paglaki.

Limang taon na mula nang ang mga asawa sa amin ay nawalan ng katuwang sa pagtataguyod ng aming tahanan.

Limang taon na nang mawalan kami ng mga kapatid na naging kalaro sa paglaki at  ngayo'y puntod na lamang na dinadalaw sa sementeryo. 

Hindi po perpekto ang aming mga kamag-anak. Nakakagawa rin po sila ng mga kasalanan noong sila'y nabubuhay at nakakalimot paminsan-minsan sa mga banal na utos ng Panginoon. Subalit ang patayin sila ng ganun na lamang at ibaon ng parang mga hayop ay hindi katanggap-tanggap.

Dito sa lugar na ito kung saan umalingawngaw ang putok mula sa mga baril na kumitil sa kanilang buhay... 
Dito sa lugar na ito kung saan nagsumamo silang huwag patayin... 

Dito sa lugar na ito kung saan nawala ang pag-asa ng 58 pamilya... 

Nagsusumamo kami sa iyo, mahal na Santo Papa, na tulungan kaming mabigyan ng hustisya. 

Alam po naming hindi na maibabalik ang buhay ng aming mga mahal sa buhay. Subalit naniniwala kaming ang Diyos ay isang Diyos na may pagmamahal sa katulad naming maliliit at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. 

Bigyan nyo po kami ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang paghahanap ng katarungan.

Bigyan nyo po kami ng sapat na lakas para maitawid ang pang-araw araw na pangangailangan ng aming pamilya. 

Bigyan nyo po kami ng linaw ng isip para magawa ang mga tamang desisyon.   Kami'y mga simpleng tao, wala sa kapangyarihan at walang kayamanan. 

Subalit sa inyong tulong, dasal at pagpapala, umaasa kaming magkakaroon ng lakas para ipaglaban ang katarungan.

Tinitingnan namin ang inyong darating na pagdalaw sa Enero bilang isang simbolo ng pagmamahal ng Diyos sa mga katulad naming naghahanap ng hustisya. 

Kaya dito sa lugar na ito, limang taon makaraan ang masaker, hinihiling namin na kami'y iyong ipagdasal at sa kahit anong paraang maari, bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko, ay samahan kami sa paglalakbay tungo sa katarungan”


SAMANTALA, NAKATAKDA DING GUNITAIN NG MGA KAMAG-ANAK AT KAIBIGAN  NI MAGUINDANAO GOVERNOR ESMAEL MANGUDADATU ANG IKALIMANG TAONG ANNIBERSARYO SA LINGGO.

SA IMPORMASYONG IPINAABOT NG GOBERNADOR, INAASAHAN NILANG BIBISITA SI DOJ SECRETARY LEILA DE LIMA.

SA BISPERAS NG ANIBERSARYO ISANG KONSIERTO ANG IAALAY NG MGA MUSIKERONG MGA MAMAMAHAYAG MULA SA MINDANAO BILANG BAHAGI NG SELEBRASYON NG IKA LIMANG ANIBERSARYO NG MASAKER.

END.



No comments:

Post a Comment