Friday, July 18, 2014

SOLIDARITY PRAYER INIALAY NG MGA MUSLIM SA ARMM SA MGA BIKTIMA MALAYSIAN AIR CRASH AT SA MGA PALESTINO SA ATAKE NG ISRAEL




By Ferdinandh Cabrera

July 18, 2014

























Cotabato City---Nagtipon-tipon para sa isang congregational prayer ang mga kawani at opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para sa isang solidarity prayer para sa mga biktima ng  Malaysian Airline plane crash na naiulat na napabagsak sa pamamagitan ng rocket fire.

At panalangin din para sa mga kapatid na Palestinong Muslim sa Gaza  na ilang araw ng nasa gitna ng krisis matapos ang mga pambobomba ng bansang Israel kung saan mas maraming mga kabataan at sibilyan ang nadadamay.

Pinangunahan mismo ni ARMM Mujiv Hataman ang Jumaat congregational prayer. 

Di alintana ang matinding sikat ng araw sa tanghali sa harap mismo ng ARMM compound.

Ayon sa gobernador, mas higit ngayon na kailangan ang panalangin sa dinaranas na paghihirap ng mga naulila sa plane crash.

At maging sa mga Palestinong nagsilikas na dahil sa isinagasawang ground assault ng mga sundalo ng Israel.

Nakapanlulumo umano ang mga sitwasyong dinaranas ng mga kapatid na Muslim sa Gaza, na dapat naman daw sana ay nag-ooberba ng Ramadhan na may kapayapaan at paglilinis sa sarili.


Napapanahon  at mahalagang araw umano ngayon ang solidarity prayer dahil nataon sa araw ng pagsamba at pag-aayuno ng sambayanang Islam sa buwan ng ramadhan.

# END













Thursday, July 17, 2014

SANGGOL ISINILANG SA PAMPASAHERONG VAN BYAHENG LEBAK-COTABATO ROUTE

Baby girl isinilang sa van. Photo by Berlyn Toledo


By  Ferdinandh Cabrera
July 18, 2014 


LIGTAS AT MALUSOG NA NAILUWAL SA TULONG NG MGA PASAHERONG KASAMA SA ISANG PAMPASAHERONG VAN ANG BABAENG SANGGOL NA ITO MATAPOS DATNAN NG KANYANG ORAS NG PANGANGANAK ANG KANYANG NANAY HABANG NASA KALAGITNAAN NG BYAHE.

SA MGA LITRATONG ITO NA IBINAHAGI NI BERLYN TOLEDO NA ISA DIN SA MGA  KASAMANG PASAHERO NG VAN MULA SA BAYAN NG LEBAK SULTAN KUDARAT AT BYAHENG COTABATO CITY.

SINABI NITONG, DINAMDAM NG BABAENG DI PA KINILALA SA REPORT ANG KANYANG KABUWAHAN HABANG NASA KALAGITNAAN SILA NG BYAHE SA BAYAN NG SOUTH UPI MAGUINDANAO.

TINIIS UMANO NG MANGANGANAK NANG NANAY ANG SITWASYON PERO ISANG ORAS PA BAGO MAKARATING SA COTABATO CITY AY NAKARAMDAM ITO NG MAY TILA PUMUTOK SA KANYANG SINAPUPUNAN.
Mga pasahero tulong-tulong sa pag-asikaso sa nanganak na nanay

HUDYAT NA PALA ITO NA KUSA NANG LALABAS ANG BATA.

ILANG METRO NA LANG DAW SANA AY MAKAKAPASOK NA SILA NG COTABATO CITY REGIONAL AND MEDICAL CENTER KUNG SAAN DOON DIN ANG PASYA NG NANAY AY BUMIGAY NA ITO AT INULUWAL ANG BATA.

TULONG TULONG NAMAN ANG MGA PASAHERO SA LOOB NG SASAKYAN SA PAG-ASIKASO SA NANGANAK AT IMBES SA TERMINAL NG VAN SILA BABABA AY SA OSPITAL ANG BAGSAK.

AGAD NAMANG INALAGAAN NG CRMC STAFF ANG ISINILANG NA SANGGOL.
AYON NAMAN SA PANINIWALA NG DRIVER NG VAN, SWERTE DAW SA BUHAY PAMAMASADA NILA ANG NANGYARING PAGSILANG SA LOOB NG PAMPASAHERONG VAN.#END