Monday, December 1, 2014

APAT SUGATAN SA ENGKWENTRO NG BIFF AT MGA SUNDALO SA SHARIFF SAYDONA MAGUINDANAO


Ni Ferdinandh Cabrera
December 1, 2014

Reinforcement ng Army troops sa highway ng Brgy. Nabundas
Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao--- Dalawang sundalo at dalawang miembro ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sugatan matapos magkasalubong ang kanilang mga pwersa sa kaninang umaga.
Nangyari ang insidente alos otso ng umaga sa Brgy. Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao habang nagsasagawa ng ng security patrol ang mga sundalo ng 45th Infantry Battalion sa nasabing lugar at nakasalubong ang pwersa ng BIFF.
Agad nagpaulan ng malalakas na RPG ang mga BIFF na sinuklian naman ng volume fire ng mga sundalo.
Nang humupa ang bakbakan at nakalayo ang BIFF ay agad naglunsad ng clearing operation ang mga sundalo kung saan isang hinihinalang IED ang kanilang diniffuse.
Ang mga residente naman agad nagsilikas.
Kwento pa ni Aling Limbo Ado, akma sana siyang maghahatid sa eskwela sa kanyang mga apo nang sumigaw ang mga sundalo na dumapa.
“ Napaihi ako sa takot, at nagsidapaan na lang, di na tuloy nakapasok ang mga bata sa eskwela kasi pati doon marami na ding mga sundalong nakaposisyon”, aniya.
Sa report ni 6th ID information officer, Captain Jo-ann Petinglay, agad nagpadala ng reinforcement ang tropa ng mga sundalo matapos mamataan na dumami ang reinforcement ng BIFF.
Bagamat malapit sa area ng mga MILF, hindi naman daw nakialam ang mga ito bagkus ang mga sibilyan umano ang nagtuturo sa lokasyon ng mga BIFF na pumasok sa kanilang lugar.
Umaapela ang militar sa MILF at MNLF na tumulong sa magbigay ng karampatang impormasyon sa mga grupong ayaw sa kapayapaan at patuloy na naghahasik ng mga kaguluhan sa ibat ibang kumunidad.
Nilinaw naman ng BIFF sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita Abu Misry Mama na walang nasawi sa kanilang mga tropa kundi mga sugatan lang.
END

No comments:

Post a Comment